ISANG KARANASANG PINOY
PASYON

pasyon-1.jpeg
INTRODUKSYON
Ang pagpapako sa krus ay isang karanasan na kung pag-isipan lang nating maigi ay tunay na kakila-kilabot. Ang pagpupunit ng balat ng isang pakong tumatagos sa bawat kamay at paa ng isang tao ay nagdudulot ng napakatinding sakit kaninuman. Ito ay ang pangyayaring dinaranas ni Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.



DESKRIPSYON


Ang pagbasa at pagpapakanta ng pasyon ay isang bahagi ng kultura sa Pilipinas na ginagawa ng karamihan ng mga Pilipino tuwing panahon ng Lent. Ito ay isang naratibong tula na nagsasaad ng buong buhay ni Hesus, mula sa kanyang ppagkasilang, hanggang sa kamatayan niya sa krus sa Golgotha, at muling pagkabuhay.
passionofchrist.jpeg
MAIKLING DESKRIPSYON

Si Gaspar Aquino de Belen ang makata ng pinakaunang pasyon sa Filipino at ipinangalan niya itong "Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola". Agad na sumikat ang mga pasyon dahil sa pagkarelihiyoso ng mga Pilipino. Isa pang naging tanyag na pasyon ay ang "Casaysayan nang Pasiong Mahal ni JesuCristong Panginoon Natin na Sucat Ipag-alab nang Puso nang Sinomang Babasa". Ngunit, ang pagkakanta ng mga pasyon ay hindi nanggaling sa mga katulad ng tradisyong nanggaling sa Espanyol at Mexicano, kundi sa tradisyong pagkukuwento ng mga Epiko sa pamaraan ng pagkakanta ng mga Pilipino.
----

Kailangang bigyan natin ito ng pansin dahil sinisimbolo nito ang katangiang matayog na paniniwala ng mga Pilipino kay Bathala. Ito'y bahagi ng kultura natin, kaya hindi dapat nating ipagbaliwala lamang.
Sources:http://tl.wikipedia.org/wiki/Pasyonhttp://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Pasyonhttp://traveleronfoot.files.wordpress.com/2008/03/pasyon-1.jpghttp://www.japanfocus.org/data/passionofchrist.jpg